CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Monday, November 23, 2009

Makabuluhang Lunes

Isang ordinaryong Lunes para sa mga ekstraordinaryong bagay. Maaring normal yun sa iba pero masyado ko yatang napagtuunan ng pansin ang mga bagay bagay sa paligid ko ngayong araw, katulad din dun sa iba pang piling araw na (wala lang) naisipan ko lang makialam, makisimpatya o kaya simpleng curiousity lang talaga sa mga nakapaligid sakin. Mahirap din naman kasi na basta na lang baliwalain yung mga simpleng bagay dahil sa mga maliliit na yun naman talaga nag-uugat lahat ng mga malalaking bagay. (Tama?)


Simulan ko na ang mga kwento ko. Masyadong mahaba at pwede ka talagang mainip sa pagbabasa nito o kaya naman hindi mo na talaga tapusin.hehe.


Unang Kwento: Mga alas dose na yun ng tanghali, pauwi na ko sa bahay namin. Napakainit ng araw at talaga namang tumatagaktak na ang pawis ko sa loob ng dyip na sinasakyan ko. Wala naman akong pamaypay kaya pinagtiyagaan ko na yung kapirasong papel na nakuha ko sa isang forum nung umaga din ng araw na yun. Napakadami pang kulang na pasahero at kailangan pang punuin yung dyip para makaalis na kami. Ibig sabihin mas madaming pawis pa ang kailangan lumabas sa katawan ko, at hindi pa ko nakakatikim ng tubig simula pagkagising ko (ibig kong sanihin ay yung inumin, nakaligo na ko nan ha!). Makalipas ang mga 15 minuto ay napuno din sa wakas yung dyip, makakauwi na din at makakakain. Whew!


Nagkekwentuhan yung mga magkakakilala, yung iba ay kumakain na sa loob nd dyip dahil sa sobrang gutom, meron din nagsa-soundtrip at yung iba naman ay nanonood lang sa mga taong nasa loob ng dyip (isa na ko dun,hehe). Habang abala si manong drayber sa pagdadrayb para makalagpas sa masikip na daanan papuntang hi-way eh biglan naagaw ang atensyon ko at pati na din ang iba pang pasahero ng dyip. May isang lalaki o babae (hindi ko masyadong nakita kung ano ba talaga siya) na nakaharan sa unahan ng dyip at basang basa yung damit niya. Sa ilalim ng santing na sikat ng araw ay merong taong basang basa, nakapagtataka diba? Tapos bigla kong napansin na may nagsasaboy sa kanya ng tubig. Hindi para paliguan siya kundi para paalisin sa harapan ng tindahan niya. Tumalab naman ang ginawa ni aleng tindera, lumayo siya pero nanatili pa din itong nakaharang sa dyip. Tapos may kuya na lumapit may dalang patpat tapos pinalo niya sa may pwet yung lalaki o babae(?).Paulit ulit niyang ginawa yun. Hindi ko alam kung malakas ba yung pagkakapalo, hindi ko na din kasi natingnan dahil naaawa ako dun sa tao. Basta ang nagrehistro sa isip ko eh "naririnig ko yung slap", kaya naisip ko eh baka malakas nga.


Pangalawang Kwento: (senaryo pa din 'to sa dyip) Dahil isang publikong sasakyan ang dyip at talaga naman na magkakadikit kayo eh hindi mo maiiwasan na makinig sa usapan ng may usapan kahit pa ayaw mo talaga (o kahit gusto mo talaga).


May dalawang lola na magkasunod na pumasok sa dyip. Pasalamat nga ako sa kanila kasi sila ang dahilan kung bakit nakaalis na kami. Napakaingay ng isang lola at pamali-mali pa. Konting preno, konting galaw eh kung ano-ano ng sinasabi. Nakatuwa siya, talagang di ko mapiilan matawa pag nagsasalita na siya. Pero sa kabila nun pagpapatawa niya eh may sense naman iba niyang sinasabi. Naawa din siya dun sa lalaki o babae(?) at sabi pa niya hindi dapat ginaganun yun dahil tao din yun, gumagalaw. At isa pa, sabi din niya sa kausap niya na nakakaawa daw yung mga nasalanta ng bagyo. Napanood daw niya sa tv yung mga kabaoong/puntod na inanod ng baha. Sabi pa niya parusa daw yun sating mga tao. (nagblangko na utak ko nung sinabi niya yun).


Pangatlong Kwento? may isa pa sana akong kwento pero may mga bagay na kailangan na lang itago sa  sarili. Basta ang masasabi kolang dun sa dapat na pangatlong kwento eh may mga bagay na kailangan natin gawin o kaya naman hindi dapat gawin para makasanayan natin o kaya para hindi natin makasanayan.


Sa mga naibahagi kong kwento, wala man dating sa inyo ay talaga namang tumatak sa isip ko ngayong araw. Lalo na yung unang kwento. May mga tao lang talaga na hindi pinagpala o kaya hindi nabiyayaan ng buhay na katulad nung sa iba, yung kahit papaano ay nakakaluwag. Kahit pa siguro anong hakbang ang gawin ng gobyerno natin nagyon ay wala pa ding mangyayari. Dahil unang-una ay hindi naman sila gagawa ng paraan para umaan ang buhay ng mga taong katulad niya.


Ciao.

0 comments: