CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Monday, October 17, 2011

Samahang Ignatians

Muntik ko ng makalimutan kung gaano ba kasarap ang makasama at makakwentuhan ang barkada. Sa mahabang panahon (tatlo, apat o limang buwan), ngayon ko lang napansin na matagal ko na din palang hindi nakakasama ang mga taong noon ay palagi kong nakikita at halos pagsawaan ko na ang mga mukha. Namimiss ko ang pagtawag niyo sa akin ng hindi ko alam kung dapat ba akong tumingin, namimiss ko ang tagay na halos puno na ang isang baso, namimiss ko ang ka-unlihan niyo :D, namimiss ko ang pagtatampo niyo sa tuwing magpapaalam ako para umalis, namimiss ko ang tawa at mga halakhak na naiiwan sa hangin sa tuwing tayo ay magkakasama, namimiss ko kung paano tayo mag-gaguhan,

Nasan na nga ba ang barkada? Hindi ko lang ba maramdaman dahil sa sobrang dami ng ginagawa o sadyang nawala na ang dating samahan? Para 'to sa inyo IGNATIANS, miss ko na tayo!:))

Sa loob ng apat na taon, nakasama ko ang barkada. Nakilala at tunay na minahal. Sa loob ng apat na taon, nalaman ko kung paano ba dapat makisama sa mga taong sa una ay hindi ko naman talaga kilala at maituturing na tunay na mga dayuhan sa aking paningin. Para sa inyo, pang habangbuhay kong itatagay ang sarap at saya ng ating samahan.:))

0 comments: